April 13, 2012

A Good Way To Start My Day

...or maybe not.

I was feeling so much guilt about me not doing any thing productive yesterday. So I've decided to start my day right today. I told my self I was gonna start it with jogging. So kagabi pa lang, kinausap ko na si Elmer na magjo-jogging kami bukas, which is today. Then mamamalengke kami after. The original plan was to leave the house at mga 4AM pero may dumating kaming bisita at 3:30AM. Yes that early. His Tita Sol from Batangas. So chika chika muna and everything. To cut this long story short, we weren't able to leave the house until 6AM. Maliwanag na. Conshus pa naman ako tumakbo 'pag maliwanag na. Arte lang!

How often do I jog? Regularly. Yeah right, mga once a year. ^_^ This is another thing that I feel guilty about. I do not jog or even exercise often. But that's another story to tell.

Going back. So Elmer and I started jogging from 118 Liwanag Subd to our destination which was Burnham Park like we originally planned. When we were already in EPZA, Elmer said, "Mahal, jogging ito, hindi alay-lakad." Haha. Okay fine. He already started jogging. Ambilis niya. Hanlalaki kasi ng hakbang niya e. Until I couldn't have a sight of him anymore. You know here in Baguio, every after a couple of meters, there's a curve. Hanggang hindi ko na talaga siya ma-sight. 

Loakan Road to me is a perfect route to take when jogging, sans the vehicles passing. Hundreds of vehicles passing. Jeepney, cars, buses. There are parts pa naman na "nauubos" ang sidewalk. So gilid gilid lang dapat. Mahirap na.

When I reached Scout Barrio, I found Elmer already waiting for me sa waiting shed. Nagmemeryenda na ang loko! Nagutom na daw kakahintay sa akin. Antagal ko daw. 

Elmer: Nag-jogging ka ba o naglakad?

Me: Nag-jogging. Pero andami kasing sasakyan e.

Elmer: Madami pala. Sumakay ka na sana.

Deadma na lang. Bakit ako sasakay?! Heller! Wala kaya ako dalang pera. Nasa kanya kaya! ^_^

Seryoso?! Sobrang pagod kaya ako.
Obvious ba? Nanlalaki na butas ng ilong ko.

Going back.

Me: Tara na ulit. 

Elmer: Ayoko na mag-jogging. Antagal ko nang napahinga e.

So naglakad na lang kami mula Scout Barrio. 


Nang nasa tapat na kami ng Pine Tree # 843 kung saan may nakaparadang 10-wheeler truck, hindi ko na talaga kaya.

Me: *TI*! Parang lumayo ang town ah. Gutom na ako!

FYI, "town" ang tawag namin sa kabayanan dito sa Baguio. ^_^

Natawa na lang si Elmer. So from there, pinag-usapan na namin saan kami be-breakfast. 

Next thing we knew, nakapila na kami sa counter ng Jollibee Upper Session Road. Hindi na kami natuloy sa Burnham Park. 


Handami kong gutom...at pagod.
Good morning, Baguio!
What do you think are in these bags?
Madami pa ito kanina bago binuhat ni manong 'yung iba.

Lumafang. Sumide-trip sa bangko. Namalengke. Umuwi

Latang lata na ang katawan ko nasa jeep pa lang kami. At pagdating sa bahay, sobrang sakit na ng katawan at ulo ko.

Me: Mahal, mga ilang kilometers kaya mula dito hanggang sa Session Road?

Elmer: Siguro mga 10 kilometers. Kasi from Kias to Burnham Park siguro mga 13 kilometers. 

Me: 10 kilometers? Siguro mga 9.5 kilometers lang ang kaya ko talaga. 

Haha. Talagang umarte pa ng ganun?! 

So there, nakatulog ako pagdating sa bahay at pagkagising ko, until now, ansakit pa din ng ulo ko. Kalurks! I therefore conclude. Wow me ganun? Parang science experiment lang?! I therefore conclude, jogging is not good for my health. Iba na lang. Siguro, hmmm. Isip pa ako ng iba. Update ko kayo guys later ha. ^_^

Back to work tomorrow. 

Ciao! 
  

6 comments:

  1. Replies
    1. Runway lang kasi ang kaya ko. Nabigla yata ang katawan ko. ^_^

      Delete
  2. Walkatone k lang... Rprojectww

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nag-jogging ako ng kalahati. Naglakad ako ng kalahati. Haha!

      Delete
  3. Sa runway nga, isang balik ka lang. Lakad pa yun. -Elmer

    ReplyDelete
  4. Hubby and I are also trying to exercise. After work, we would run in UP oval, just a few rounds. That's the nice thing about living in Baguio, you can run everywhere kasi nga wala gaanong pollution, dito sa Manila, may selected places lang kasi sa dami ng tao at mga sasakyan.

    ReplyDelete

Go ahead. Make my day!