October 27, 2011

Mga Pangyayari


 
Ang Nakaraan.

Hindi ko maalala kung nung elementary at high school ba ay meron kaming sem break? Parang wala naman. O baka naman OLSHA (Our Lady of the Sacred Heart Academy) na OLSHCO (Our Lady of the Sacred Heart College) na ngayon lang ang ganun? Naalala ko kasi, very strict sa attendance ang school namin based on my observation lang naman during the entire 11 school years na nag-aral ako dun. 'Pag may 1 araw na walang pasok dahil sa bagyo o lindol o kung ano pa man, siguradong may 1 Sabadong kapalit 'yun. Kahit patapos na ang school year at wala ng ginagawa sa classroom dahil kaliwa't kanan ang practice for the recognition or graduation, kelangan pa din pumasok ng estudyante. Parang okay lang naman sa iba, kasi may allowance pa din for the day kahit walang ginagawa sa school. Parang sa iba naman hindi okay kasi atat ng magbakasyon.

Ang Kasalukuyan.

Nagulat ako ng makita ko ang memo sa notebook ni Nikki na wala silang pasok from October 26 to November 6. At dahil holiday sa November 7 kaya extended ng isang araw ang napakahabang bakasyon nila. Ganun na ba talaga ngayon? Pati grade school may sem break? Sushal! Bakit kami nun, walang ganito katagal na bakasyon? School lang ba nila ang ganun?

Kahapon.

Nikki and Calli left for Nueva Ecija and Pangasinan, respectively. Opo, magkahiwalay silang nagbakasyon. Si Nikki ay sinundo ng kanyang Tito Jerwin (my cousin Jerwin) at si Calli naman, kasama ng yaya, ay umuwi sa Pangasinan with Tita Sheila (Elmer's cousin).

Home - (Nikki + Calli) = House + (Elmer + Me)

Nag-early dinner kami ni Elmer ng sooobrang tahimik at malungkot. :( Day off sana ni Elmer kagabi pero dahil may "trangkaso" daw ang isa niyang kasama sa department nila, kaya kelangan niyang pumasok. So 13 days na naman siyang papasok ng diretso. :( May "trangkaso" din si Elmer nun nagpaalam siyang hindi siya makakapasok last week kasi kelangan niya pumunta sa Manila. Sila na ang lapitin ng trangkaso. :)

Mamaya.

Showing na raw ang The Unkabogable Praybeyt Benjamin. Sana matuloy kami ni Elmer mamayang manood para laugh trip. I can't remember the last time we were in a cinema. Sana ito na! Pero ako ay talagang kelangang sumadya sa town ("Town" ang tawag namin sa kabayanan dahil nakatira kami dito sa Loakan na may kalayuan sa "town") specifically sa Sun Shop dahil approved na daw ang application ko for broadband. Switch na kami sa Sun Broadband. Mas mabilis sa area namin. Excited ako, may freebies daw kasi. :)

Bukas.

No one knows what tomorrow brings. Charot! Siyempre bukas, same old routine. Pero who knows, may something interesting na mangyari. Sana. Sana. At bukas, habang tinatamad sa work, mag-iisip ng kung ano na naman ang pwedeng i-post. Maglilinis din ako ng bahay. At long last, matutupad na din ang matagal ko ng pinapangarap. Makapaglinis ng bahay nang walang batang lumalakad lakad. Bukas ko tutuparin yan pagkagaling sa work.  

Ciao! ♥
 

No comments:

Post a Comment

Go ahead. Make my day!