October 30, 2011

Hello Guimba!

Hindi ako naka-attend sa party. Hindi ako nakapaglinis ng bahay. I was invited by the team I was supporting before to an after-party party. Hindi ako nakapunta. Hindi ko pa rin napanood ang Praybeyt Benjamin. Hindi nag-kick in ang 'gana' to do house chores. To make this long story longer, wala akong ginawa kahapon. Nood nood lang ng TV at surf surf lang. Tinamad ako! :) Ay wait, there's more. Meron naman pala. Nagtupi ng mga nilabhan kong damit the other day. Nagtahi ng mga damit ni Elmer at PJs ni Nikki na may butas. O ha! Nagtahi ako. Habang nagtatahi nga ako kahapon, naalala ko ang mga teachers ko sa THE nung high school. I was trying to recall their names. Dead! 'Di ko maalala talaga. I hate that feeling pa naman na parang nasa dulo na ng dila mo. At...naalala ko din ang mga iba't ibang stitches. Ay, tatlo lang pala. Cross stitch, running stitch, back stitch. Yun lang ang mga naalala ko. Nakalimutan ko na 'yung iba. Back stitch ang ginamit ko. :D

At...habang tinutupi ko ang mga damit nina Nikki at Calli. Naalala ko din sila. Miss ko na sila. Pero hindi ko na mami-miss si Nikki mamaya dahil Nueva Ecija, here I come! :) Si Calli, miss ko pa rin. :( Pero 'di na din ako masyado nag-aalala kay Calli kasi uuwi din naman si Elmer sa Pangasinan. Tama 'yang nabasa niyo. Magkakahiwalay kami ngayong Undas. Elmer and I think that's just okay. Nasa Pangasinan ang "mga patay" niya. Nasa Nueva Ecija naman 'yung akin. So tama lang.

Excited ako! It's been 2 months na hindi ako nakatapak sa soil ng Nueva Ecija, particularly ng Guimba. Palaging kino-compare ni Elmer ang Guimba sa San Manuel (at syempre laging angat ang San Manuel para sa kanya). Kahit nagpaka-tourism ambassador pa siya ng San Manuel, 'di pa rin niya na-convince si Nikki na dun magbakasyon. Mas gusto ni Nikki sa Guimba. Si Calli kasi hindi pa makapili kaya kung saan siya buhatin, dun siya. :)

Ito ang 10 reasons kaya excited ako umuwi.

1. Birthday ng Tita Zeny ko today. She never failed to make 'handa' every year. She cooks good. I grew up with her Pinoy-style spaghetti.

2. Mainly, para sa Undas. Mabibisita ko ang puntod ng Tatang at Inang ko.

3. Makikita ko na naman my brother Jayvee na niloloko namin sa bahay na bading (kasi siya lang ang only male specie sa bahay) at my sister Vian na niloloko namin sa bahay na babaeng bading (kasi arte much like a bading). Unapologetically chaotic fun ang bahay 'pag magkakasama kaming tatlo. :)

4. Makikita ko na naman si Muder at si Nikki.

5. Makakatikim na naman ako ng lutong bahay namin.

6. Makakakain na naman ako ng iba't ibang mga kakanin.

7. Uuwi din daw my cousin Je from Pampanga so makikita ko na naman siya...at his girlfriend Zyra na din.

8. Makikita ko na naman ang mga friends ko - Jona & Ryan, Elley & Ruel, at sana si Kits & hubby na din. Chikahan to da max at few shots on the side.

9. Baka makapag-swimming kami ng mga pinsan ko. Sana. Pero baka hindi matuloy.

10. May isa pa akong reason kaya excited ako umuwi. Secret muna. :)

Ayan! Parang antagal ko naman dun. Pero one and a half days lang ako dun. Kasi the rest of the time ay sa biyahe mapupunta.

Last Shift. This is the day of the week that every single soul at work always looks forward to coming. Of course after the last shift ay day off na. Take note, call center ito kaya hindi lahat ng days off ay sa weekend. Any day of the week could be someone's last shift. At the same time, ito din ang araw ng pinaka -  pinakanakakatamad, pinakamabagal ang oras, pinakaexciting at pinakabusy sa planning ng mga gimmicks at kung ano anong mga pagkakaabalahan sa day off. This is the last Sunday until at least December na magiging last shift ko. Dahil magpapalit na ako ng days off. Yay!!! Friday-Saturday na ako this November at December. Woot woot! Hello weekend off!

Ciao! ♥
 

No comments:

Post a Comment

Go ahead. Make my day!