October 05, 2011

Calli's "Duk Lan"

Calli, my younger daughter, is soooo funny, well, at least for me. At her age - learning to speak words, attempting to complete her statements, making funny gestures and facial expressions - she just knows how to make Elmer and me laugh, with very little or no effort at all. We love her puppy eyes whenever pinapagalitan namin siya. We pity her so much pag sobrang iyak niya kasi napalo siya at talaga namang wagas ang pagtulo ng luha niya na parang wala ng bukas. We are so delighted by her grins. Hindi lang smile, grin talaga, as in labas lahat ng ngipin pati gilagid. We always laugh at her signature moves and bulol lyrics of songs. On my past rest days, walang yaya so ako lahat (ako na lang lagi, lahat-lahat? So unfair! Haha) ang may gawa sa bahay. First night that we didn't have yaya with us, while on bed nagpapaantok (all lights out kasi hindi matutulog si Calli pag maliwanag) -- 

Mommy: Tulog na Mahal. Andilim na. Wag na tayo maingay kasi magagalit ang kapitbahay.(Lahat na ng pang-uuto, para tumigil na siya sa paglalaro).

Calli: Raaaaawr! (Alam niyo yung mga halimaw or nakakatakot na characters sa mga horror movies? Ginagaya pala niya yun as if tinatakot ako. Haha!)

Mommy: (Not paying attention)

Calli: Duk lan Mommy. Duk lan ha.

Mommy: (Trying to decipher...decipher...decipher)

Kayo ba na-decipher niyo na ang ibig niya sabihin?

Joke lang po!

Di pa din?! Yun na nga yun! "Joke lang" daw! She said that in an attempt to as if calm me down; Na baka natakot ako sa pag Raaaaawr! niya kaya bigla niyang binawi. Duk lan daw! Hay, super laughs ako!


Ciao! ♥
 

No comments:

Post a Comment

Go ahead. Make my day!