October 19, 2011

Juana Tamad

Ito ang peg ko today. Tinatamad talaga akong magtrabaho ngayon. Tignan natin ang mga dahilan sa mga sumusunod  na bullets. 

1. Katatapos ng rest day ko pero maysakit si Calli kaya wala din lang rest for me. :( Pumunta kami sa pedia nung Monday. 'Di naman lingid sa ating lahat kung gaano katagal maghintay ng turn sa pedia...pag late ka dumating. So partly (partly lang? Okay, ako na lahat) kasalanan ko din kung bakit natagalan kami sa paghihintay. Nabilib ako sa sarili  ko dahil kaya ko na palang dalhin sa labas si Calli nang mag-isa lang ako nang walang kasamang yaya o daddy niya. After pedia, grocery then Jollibee. Lahat yun kinaya ng powers ko. Applause for me. ^_^

2. Ang hirap mag-collect ng stool sample ni Calli. Haaays! Na-stress ako ng bongga sa part na ito. Monday afternoon, balik ako sa lab para dalhin ang stool sample niya for fecalysis. Pero dahil hindi ako confident sa result, cumollect ulit ako ng stool sample (at na-stress ulit ako) nung Tuesday morning at bumalik ulit ako sa lab for another fecalysis. 

3. Sunday night at Monday night ay bonggang puyat ang naranasan ko (at ni Calli) dahil tine-train ko na si Calli na hindi mag-diaper sa gabi. Naisip ko nga kung advisable ba na gawin ko ito ngayong mga malamig na buwan dito sa Baguio? O sa summer na lang kaya? Pero naisip ko, 2 years and 3 months old na siya. It's now or never. So never na lang. Hahaha. Jowk! Now na! Kaya every after a couple of hours ay bubuhatin ko siya at pauupuin sa kanyang potty para umihi. Puyat ako, puyat din siya. Quits lang kami. Hihihi.

4. Na-stress ako kasi tumatalino na si Calli. Ayaw niya uminom ng gamot. Waaah! Pero gustong gusto niya ng Ceelin. Kahit Ceelin ang hawak kong bote sa left hand at kutsarang may gamot sa right hand, alam pa rin niyang hindi Ceelin ang laman ng kutsara kasi color white ang laman.
 
5. Malapit na exams ni Nikki. Review-han na naman ito. Pero in all fairness kay Nikki, attentive siya sa classroom kaya kahit minsan, hindi ko nababasa ang laman ng assignment notebook niya na dapat pala silang magreview for a quiz, mataas pa din ang nakukuha niya. At sadya siyang matalino, tulad ko. :p Pero andaming kwento ni Nikki about sa mga classmates niya habang nagrereview kami kaya tumatagal ang review (o kwentuhan) namin.  

6. Second day ng monthly period ko ngayon. Alam ko nang magkakaroon na ako pag a.) Nagsusulputan na ang mga pimples ko sa noo b.) Madalas sumakit ang ulo ko c.) Sumasakit ang balakang ko. Sobrang tinatamad ako at parang ambigat ng katawan ko 'pag period ko. 

Pagod + Puyat + Katamaran = Walang kwentang post!

Sorry, ito lang kinaya ng powers ko. 

P.S. Ito pa pala pinagkaabalahan ko ng buong umaga. Basahin ang story ni Molly Nash. It's an interesting read. Go ahead. ^_^

Ciao! ♥
    

No comments:

Post a Comment

Go ahead. Make my day!