August 28, 2013

Eleven

I am feeling so good today. Thank God it's Wednesday. My Wednesday is like your Friday, you know, last shift for the week. Ulan na naman nang ulan mga friends, kasi may bagyo na naman. Kalurks! Ang ginaw ginaw ginaw ginaw na naman tuloy dito sa Baguio. Ang sarap tuloy matulog. Sa day-off, #alamna.

Also, today, August 28, 2013, Elmer and I celebrate our 11th year of togetherness. Naks! Being together for that long is such an achievement, I tell you. Lalo na ngayong mga panahong 'to, madalang na talaga. It's hard work. I feel so proud! 

Image Source

There've been times when I stopped and thought what kept Elmer and I together for this long. After eleven years and three kids, it always boiled down to this - I have a firm belief in the saying "It takes two to tango". Whenever we hit a rough patch, I don't put all the blame on him (sa umpisa, oo. Hehe!). We are a team, so I am partly to be blamed. Kaya 'pag may drama kaming dalawa, eto ginagawa ko.

1. Deep Dive Analysis. Dati, confrontation agad. Natuto na ako mga friends. Ngayon, quiet-quiet lang muna sa umpisa. Mag-iisip muna ako nang mag-iisip nang mag-iisip, hanggang malason na ang utak ko. Chos! Mga tipong, "siguro ganito, siguro ganyan" with maraming "tang-ina!" on the side. I tell you, cursing makes it a little less harder.

2. Action Plan. Iniisip ko kung ano ang magiging action/s ko. Mga tipong, "to forgive or not to forgive". And ending lagi, to forgive but never to forget. Alam niyo 'yan. Ganyan tayong most girls. Kaya naman "historical" palagi ang next awayan. ^_^

3. Execution Plan. Iniisip ko kung paano ko ie-execute si Elmer. Chos! Naiisip ko din naman minsan na hindi lang ako ang may pakiramdam at needs sa aming dalawa. Hindi lang ako ang may low moments. Kaya naman adjust-adjust din ako ng mood at ugali minsan 'pag may time.

4. I look at my kids; hug and kiss them; play with them. Nakakawala ng galit sa ama nila. Try niyo.
 
5. Maraming maraming maraming dasal. Amen!

Sorry friends, magulo ang pagkalahad ko ng mga thoughts ko. Pero those things sa taas always work for me. I've grown mature in my relationship with Elmer. Siya na lang ang medyo hindi pa. Haha! Tsaka I've always believed kasi na si Elmer ang soulmate ko, kaya 'pag nag-aaway kami, bilib na bilib ako sa aming dalawa na magkakabati din kami.

It's great naman na Elmer and I have a common day-off. Though we do not have any plan for today - we have a bed weather kasi today here in Baguio; sarap lang mag-stay sa bed - I am hoping makalabas kami mamaya. I want to watch The Conjuring kasi sa big screen. I know, right. What a brilliant idea for a movie to watch sa anniversary date. 'Yun lang, baka hindi na showing sa sine. Bahala na.

Uh-uh! I know what some of you might be thinking dahil sa weather ngayon. 'Di pwede mag-"jogging"! Nakataas pa ang red flag. I know! Ang galing  din naman tumiming ng nature 'di ba? Kaya cuddle-cuddle lang muna.

At ngayon din lang, napansin ko na hindi kami mahilig mag-selfie ni Elmer together. Kinalkal ko na ang Facebook at archive ko, wala akong makitang matinong picture namin together. Kaya eto na lang --


Oh ha, wacky pa 'yan. Haha!

Be safe everyone. 

Ciao! ♥

No comments:

Post a Comment

Go ahead. Make my day!