August 30, 2013

Age Is Just A Number

Hello friends! Isn't today a great day or what? Hongganda lang ng weather! What a perfect day to do the laundry.

Elmer and I finally saw the last full show of The Conjuring two days ago. Gabi na kasi kami nakalabas kasi he and I slept almost the whole afternoon. Kami na ang puyat. May gulat factor ang movie! 'Yung first scene dun na nakakagulat, napasigaw ako talaga kaya nagulat din si Elmer. Ayun, nagalit siya sa akin. Nakaka-praning kasi 6 lang yata kami sa buong sinehan nun. Kaya walang masyadong sigawan galore.'Yun pa naman ang exciting.

Image Source

'Yung lang. Ganun lang lumipas ang 11th anniversary namin. Saya 'no? ^_^

Yesterday, it was my day-off, I went to Benguet Lab to have my Annual Physical Exam. 'Kala ko naman ay nakaligtas na ako sa APE na 'yan. Anyways, tapos na.

Imbey lang because I was there so early dahil gusto kong matapos agad. I finished the blood extraction, urine sample collection, vision test, x-ray test in just 15 minutes. Ang mga doctors lang ang palaging late dumating. At nang dumating na si Doc, 15 minutes din lang e tapos na ang physical exam na wala namang physical exam na naganap, which was favorable to me. Wa ko bet the hubad-hubad, kapa-kapa at tuwad-tuwad thingy. Question and answer portion na lang ang naganap.

The doctor made my day. Sa APE form ko kasi, there was an erasure sa age ko. Gawa ng nurse 'yun.
 
Dra. Rivera: How old is your eldest child?

Me: 9 years old po Doc.

Dra. Rivera: Ha? E 'di ilang taon ka pa lang noong nagkaanak ka?

Me: 21 po Doc.

Dra. Rivera: Ay, ano ba 'to? (referring to my age sa APE form)

Me: 30 po Doc.

Dra. Rivera: Really? 30 ka na?

Me: Opo Doc. Bakit, 'di ba halata?

Dra. Rivera: Hindi nga?

Me: Oo nga Doc. Wow, Doc ha!

She looked serious. I just don't know if she's like that to all her patients whenever there's chance kaya parang praktisado na kaya mukhang sincere. Whether she was just pulling my leg or what, I don't care! She made my day. ^_^

And in all fairness, I get that all the time. Oo, all  the time talaga. Walang basagan ng trip. Haha! Seriously, madaming times na nangyari 'yun.

Like in the afternoon naman kahapon din, I fetched Calli from school. Calli's classmate's mom, Marj, saw me walking with Nikki and Calli.

Marj: Anak mo din 'to? (referring to Nikki)

Me: Oo.

Marj: Anong grade na siya?

Me: Grade 4.

Marj: Ilang taon ka na ba?

Me: 30.

Marj: Hay, 30 ka na pala? Mabuti ka pa, may malaki ka na. (She meant grown-up na anak). Ako 29 na, si Gia pa lang ang anak ko.

Gia is only 5 years old.

Oh em! Don't I really look like I'm 30 already? I lahvet! ^_^ I will give some credits sa weather dito sa Baguio. Anlakas lang maka-slow down ng aging ang cold weather. At hindi kasing polluted ang hangin dito like sa ibang cities. Next to my beloved hometown Guimba, super love love love ko talaga ang Baguio Citey!

Isa 'to sa mga latest photos ko. Kayo na ang mag-judge. Gandahan niyo naman ang judgement niyo ha? ^_^

Lamig-lamigan kami kaya sumeselfie.
I'm kinda feeling under the weather today. Ang ganda ng weather, pero under the weather. Ano bey?! Masama talaga ang pakiramdam ko. Naka-dalawang rolyo na ako ng tissue. Sakit lang sa ilong. And I have work na tomorrow, so pahinga lang ng konti.

Hosha, next time ulit friends. Take care!

Ciao! ♥

No comments:

Post a Comment

Go ahead. Make my day!