Hello mga mem! I'm back again. Pinapanindigan ko talaga ang pagbabalik ko dito.
It's been raining a lot these days 'no? Kung makaulan eh parang bawal nang umulan next month. Ibinubuhos na yata ni Mother Nature ang lahat ng ulan for the rest of this year. Classes here in Nueva Ecija have been cancelled for three days na.
On Sunday night, news came out na suspended nga daw ang classes ng Monday. Of course my daughters celebrated. Parang tayo lang nung students pa tayo. Aminin niyo 'yan! :)
Then came Tuesday, walang announcement na walang pasok pero sobrang maulan that morning. Nikki woke up, took a shower, ate breakfast and left for school. While Calli, on the other hand, eh parang mantika sa pagtulog. Dineclare ko na na walang pasok ang elementary sa Guimba, Nueva Ecija. Hindi ko na ginising, kawawa naman. But the truth really, tinamad akong bumangon. Ansarap humiga kasi anlami-lamig! Yes, I didn't wake Calli up and let her not go to school kasi tinamad akong bumangon para i-prepare siya. Huwag akong tularan! But wait, there's more! That morning, it was announced that afternoon classes were suspended. Walang pasok that afternoon. Whew! Parang nakaramdam ako ng konting relief at medyo na-justify ko ang "kasalanan" ko. Eh sobrang maulan naman kasi talaga. Dapat umaga pa lang na-suspend na ang classes.
And today, Wednesday, I made sure to wake up early, like 5AM early. I woke Calli up. Shower, breakfast, dress up. The usual. Ang aga niyang naka-prepare, as in! Feeling ko bawing-bawi ako from my yesterday's indiscretion. Kahit tunog nang tunog ang phone ko sa mga notifications, messages and all, deadma lang. Nagpaka-mother muna 'ko. Then Calli left for school.
I felt so good, ready to do some house chores. I had a little time to check my phone na. First message that I read, from Teacher Maribel. Nyaaah! Wala daw pasoook! I panicked nang beri beri light. Medyo natututunan ko nang 'di mag-panic nang sobra. Pag alam kong papunta na ako sa panic mode, I pause for a few seconds and clear my mind. Then I enumerate my options in my mind.
Just a back story. I don't bring Calli to school. Actually, no one brings Calli to school. In the morning and in the afternoon, Calli goes to school together with her Ate Nikki in a tricycle. I make sure na kilala ko ang tricycle na sasakyan nila. Yung mga nakapila dito sa kanto dito sa subdivision namin (na hindi naman talaga subdivision). Then sa uwian, 'yung "family driver" namin ang sumusundo sa kanya using his tricycle. Hindi sila pwedeng sabay ni Nikki kasi Nikki's dismissal is always later than Calli's. Kawawa naman siya if maghintay siya nang matagal for her Ate Nikki. Today, it was supposed to be Nikki's periodical tests in the afternoon kaya wala siyang pasok ng morning. That's why Calli left for school alone this morning.
Going back. Naloka nga ako ng slight. I was readying to go to school na to take Calli back home. Mabuti na lang, at talagang mabuti na lang, ibinalik siya ng tricycle dito sa bahay when the driver found out from the school guard na walang pasok. Haay, thank you!
Naaawa ako kay Calli. Sana natulog na lang siya. Pero natawa ako kasi sabi niya, "Sayang, Mommy, naligo pa ako." Parang may sama siya ng loob kasi naligo siya nang maaga.
Ano ba yan? Nung may pasok, di siya pumasok. Nung walang pasok, tsaka siya pumasok, ang aga pa! Wala sa tiyempo. Haha!
So 'yan ang mga ganap sa buhay ko ngayon mga mem. Kayo? Keep calm na lang sa loob ng bahay. Huwag gala nang gala ngayon, maulan. Delikado.
Thanks for reading. Stay safe, stay dry, stay awesome! :)