March 14, 2008

Customer Number 717

Kahapon, March 13, 2008: down ang system ng Metrobank. Take note, nationwide! Payday na kahapon pero hindi naman ako maka-withdraw. Ansama pa nito, hindi din pwede mag-withdraw sa ibang bank ATMs. Haaaay! Grabe! Napahirap talaga ng walang pera. Gusto ko pumunta sa mall pero 260 pesos na lang pera ko. Sasama lang loob ko kung may gusto ako bilhin tapos wala ako pambili. May credit card ako pero Metrobank din 'yun kaya naman I doubt kung pwede din yun credit card ko. Tsaka 'yoko na madagdagan utang ko. Hahaha..

Kaya naman ang company ko, nag-e-effort para matugunan (matugunan talaga huh?) ang needs of its employees. Kaya naman, in close contact ang HR people namin with Metrobank. Lahat ng means para makapag-withdraw kami e ginawa nila. Kahapon, pwede mag-over-the-counter withdrawal. Pero saan ka pa? 500 pesos max lang ang pwede. E di wag na lang! Saan ako dadalhin ng 500 pesos? May mga bills ako dapat bayaran! (broadband, credit card, bahay, etc.)
Nakakainis na nga magbasa ng corporate emails kasi puro about Metrobank's system downtime ang subject. Kaya hindi ko na sila binabasa. Delete agad! Hahaha..

Ngayon, March 14, 2008: Nagtext sa akin ang isa kong friend na workmate ko din. Sabi sa text:
Ay!Ilalagay ko sana dito ang exact words niya sa text pero dead batt na phone ko. Naiwan sa bahay ang charger.

Anyways, basta sabi niya, kung balak ko daw mag-withdraw, punta daw ako dito sa office kasi andito mga taga-Metrobank. Pwede daw mag-withdraw dito. 30,000 pesos max. So ako naman, dahil sa bonggang-bonggang tinding pangangailangan, nagbihis agad ako at tumuloy dito sa office.
Juice ko! pagbaba ko ng jeep, nagulat ako at parang may rally sa harap ng building namin! Napakaraming tao!

Dapat kumuha ka ng number para ma-serve ka. So kumuha ako. Isa pang juice ko! Number 717 ako at number 310 palang ang sine-serve nila. Huhuhu..

11:50 AM ako dumating dito at ngayon, habang sinusulat ko 'to, (sinusulat o tina-type?Ü), mag-aalas-dos na po ng hapon. 6:00 PM ang start ng shift ko mamayang hapon, andito pa din ako sa office!

Kaya naman, habang naghihintay ako matapos sina 310 hanggang 716, mag-blog muna talaga e no? Hahaha..

Meron nga ako pera pero wala naman sa akin. Andun sa Metrobank! Kaya pag chinarge ako ng Metrobank dahil hindi ako nakapagbayad ng credit card bills ko before due date, tatawag ako sa kanila at magrereklamo ako ng bonggang-bongga at ipapa-credit ko sa account ko ang past due charge ko.

Still waiting for Customer Number 717 to be served...

Ciao! ♥
 

No comments:

Post a Comment

Go ahead. Make my day!