Kahapon,
March 13, 2008: down ang system ng Metrobank. Take note, nationwide!
Payday na kahapon pero hindi naman ako maka-withdraw. Ansama pa nito,
hindi din pwede mag-withdraw sa ibang bank ATMs. Haaaay! Grabe!
Napahirap talaga ng walang pera. Gusto ko pumunta sa mall pero 260
pesos na lang pera ko. Sasama lang loob ko kung may gusto ako bilhin
tapos wala ako pambili. May credit card ako pero Metrobank din 'yun
kaya naman I doubt kung pwede din yun credit card ko. Tsaka 'yoko na
madagdagan utang ko. Hahaha..
Kaya naman ang company ko, nag-e-effort para matugunan (matugunan talaga huh?) ang needs of its employees. Kaya naman, in close contact ang HR people namin with Metrobank. Lahat ng means para makapag-withdraw kami e ginawa nila. Kahapon, pwede mag-over-the-counter withdrawal. Pero saan ka pa? 500 pesos max lang ang pwede. E di wag na lang! Saan ako dadalhin ng 500 pesos? May mga bills ako dapat bayaran! (broadband, credit card, bahay, etc.)
Nakakainis na nga magbasa ng corporate emails kasi puro about Metrobank's system downtime ang subject. Kaya hindi ko na sila binabasa. Delete agad! Hahaha..